Romantikong Dila

sabi nila makabago na ang henerasyon
marahil nga’y sadyang ako’y natuto sa makalumang leksyon
sa isang katulad kong “nbsb”
idadaan na lang sa tula ng aking mga labi

hanggang tingin na lang ba talaga?
sa iyong pagdaan ako’y mag-aabang
sa tuwing nakakasalubong kita
ang ulo ko’y napapayuko ng sadya

kapag ika’y lumagpas na
ang ngiti ay tila hanggang langit na
minsan nahuli kitang nakatingin sa akin ng bahagya
ang puso ko’y tumalon ng hindi sinasadya

hindi ko alam kung itinadhana lang
o sadyang nagkataon lamang
na tayo’y magkitang muli sa parehong kumpanya
at nasa parehong gusali at palapag pa

sana hindi ko na lang alam pangalan mo
nang sa gayon hindi ko magawang tingnan ang profile mo
totoo ngang mahirap maging babae
kung di ka naman kilala ng iniibig mong lalake

maghihintay na lang ba
o ako’y magpapakilala na?
pagpasensiyahan mo na sadyang ako ay humahanga
kaya ako’y nakalikha ng isang mumunting tula

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s