Marka

Aking ikukumpisal na ako’y isang lampa
Noong isang araw habang nagbibisikleta
Ako’y bumagsak at natumba
Kaya ngayon ako’y may galos at pasa pa

Parang batang umaray ng sandali
At tumayo ng nagmamadali
Sumakay ng muli
Upang ang sakit ay maikubli

Nilinis at ginamot nang ang sugat ay gumaling
Lumipas ang ilang araw tila sugat ay andyan parin
May markang pansamantalang nanatili
Nawala rin naman ng unti-unti

Parang pusong nasugatan hindi agad nabubura
Minsan nga’y buwan o taon ang sakit ay di nawawala
Sugat ay nagmamarka kahit lumipas ang panahon
Tila isang alaala di basta-basta mababaon

Panahon lang din ang kailangan
Nang ang sakit ay mawala ng tuluyan
Marahil nga ay mahirap at masakit
Sadyang may pagkakataong kailangan pagdaanan upang matuto at masagot ang mga “paano?” at “bakit?”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s