Tag Archives: single

Single Walang Problema

Valentines na naman Single pa din
Single pa din kasi naghihintay pa rin
Naghihintay pa rin kasi wala pa siya
Wala pa siya, bkit nga kaya?

Marahil ay sadyang itinadhana
Itinadhana nga ba o wala lang talaga?
Wala lang talaga o dahil may hinihintay ka
May hinihintay ka, sino nga ba siya?

Sabi nila ang totoong nagmamahal naghihintay
Naghihintay at nananalig sa Kanyang gabay
Sa gabay ng Maykapal na Siyang unang nagmahal
Nagmahal ng buong-buo kaya tiwala lang at dasal

Habang naghihintay gamitin ang bawat oras
Ang bawat oras sa mga tao at bagay na mahalaga na parang walang bukas
Single walang problema dahil marami kang panahon
Malamig man ang panahon ng mga single ngayon

Malamig pero masaya,
Masaya dahil may pag-asa.
May pag-asa na makikilala pa rin kita
Sa tamang panahon sabi nga nila