KARAGATAN

by Aecel Elopre


Katahimihan ang dulot ng bawat dausdos
Ang alon na humahampas sa dalampasigan dala ng bawat agos
Rinig ang kapayapaan ng pusong nais lamang ay pahinga
Ayoko pang isipin ang bukas ng ang ngayon ay aking madama
Ganitong-ganito ang paraiso na aking inaasam
Ako’y nag-iisip, nangangarap at nagdadasal sa nag-iisang May-alam
Tumatawag at humihiling na ako’y Kanyang marinig
Ang matagal ko na sanang mithi ang Iyo ring kaloob at ibig
Nang aking masisid ang pangarap na karagatan